Monday, April 18, 2011

Ikalawang Estasyon: ANG PAGHIHIRAP NI HESUS SA HALAMAN


P: Sinasamba at Pinupuri ka namin, O Kristo...
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Mahal mong Krus ay Iniligtas mo ang Mundo.

†Mula sa Ebanghelyo ni San Lucas (22:39-44)
39 Gaya ng kanyang kinagawian, umalis si Jesus at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo kasama ang mga alagad. 40Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila, "Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso."
41 Lumayo siya sa kanila, mga isang pukol ng bato ang layo, at doo'y lumuhod at nanalangin. 42 Sabi niya, "Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo." [ 43 Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya. 44 Dala ng matinding hinagpis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim, at pumatak sa lupa ang kanyang pawis na parang malalaking patak ng dugo.]

†Pagninilay
Bilang Diyos, malinaw kay Hesus na kailangan niyang ialay ang kanyang sarili alang-alang sa kaligtasan ng mundo. Bagama’t katulad ng ordinaryong tao, napakahirap para kay Hesus na yakapin at harapin ang pinakamabigat na pagsubok sa kanyang buhay. Kaya’t nagmakaawa siya: "Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito...”
Sino pa nga ba ang aasahan ng mga nagdurusa sa mga karamdamang hindi magamot ng agham, ng mga taong hinagupit ng mga kalamidad, ng mga taong nawalan ng lahat ng kanilang mga pinagpaguran, at ng mga taong pinanawan ng kanilang minamahal sa buhay?
Si Hesus sa kabila ng takot ay walang kinapitan kundi ang tiwala sa Ama, kaya’t matapos magmakaawa na ilayo sa kanya ang kopa ng paghihirap, agad niyang sinabi: “Ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo."
Sa mga sandaling humaharap tayo sa mga pagsubok na para bang mahirap lampasan, matuto tayo kay Hesus. Isabuhay natin ang tiwala sa kalooban ng Ama. Sa sandali na bumibitaw tayo sa pananampalataya at ang tangi nating pinanghahawakan ay ang pagtakas sa pag-subok ng buhay, tumupad tayo sa mungkahi ni Hesus: "Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso."

†Panalangin
Panginoong Hesus, napakaraming pagkakataon na aming iginigiit ang aming sariling mga plano at kagustuhan. Patawarin mo kami sa aming mga pagmamagaling at pagtalikod sa iyong mga paanyaya. Ikaw nawa ang aming maging lakas at tagapag-tanggol sa hagupit ng mga problemang dumarating na para bang hindi naming kayang pagtagumpayan. Maranasan nawa namin ang iyong pagkupkop sa oras ng aming pagharap sa hamon ng buhay. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ng iyong mapagkupkop na pangalan. Amen

Ama naming... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
†††

Unang Estasyon: ANG HULING HAPUNAN


P: Sinasamba at Pinupuri ka namin, O Kristo...
B: Sapagkat sa pamamagitan ng Mahal mong Krus ay Iniligtas mo ang Mundo.

†Mula sa Ebanghelyo ni San Lukas (22:17-20)
17 Dumampot siya ng isang kopa, at matapos magpasalamat sa Diyos ay ibinigay iyon sa kanila, at nagsabi, "Kunin ninyo ito at paghati-hatian. 18 Sinasabi ko sa inyo, mula ngayo'y hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hangga't hindi dumarating ang kaharian ng Diyos."
19 Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin."20 Gayundin naman, dinampot niya ang kopa pagkatapos maghapunan at sinabi, "Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo.

†Pagninilay
Sa huling hapunan, pinasinayaan ni Hesus ang rurok ng kanyang misyon na iligtas ang tao sa pagkaalipin sa kasalanan. Hindi isang ordinaryong tinapay at alak ang kanyang binigay sa kanyang mga alagad, kundi ang kanyang sariling katawan at dugo ang naging kabayaran sa kasalan ng mundo.
Sa banal na misa, tinutupad ng Simbahang Katoliko ang utos ni Hesus sa huling hapunan: “Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.” Ang utos ni Hesus ay hindi lamang ang itaas ang tinapay (na tunay niyang katawan) at ang alak (na tunay niyang dugo). Gayundin, ang lahat ng Kristiyano ay inaanyayahang mag-alay ng sarili para sa kapakanan ng isa’t isa.
Sa panahong laganap ang eksploytasyon o ang pag-abuso sa katawan ng tao upang magkaroon ng huwad na kaligayahan, ipanalangin natin na ang tao ay magkaroon ng pag-galang sa dangal ng katawan ng tao bilang templo ng Espirito Santo.

†Panalangin
Panginoong Hesus, minarapat Mong ialay ang Iyong sarili para sa aming kapakanan. Loobin Mo na kami din ay magkaroon ng kakayahang ingatan ang aming katawan at ang aming buong pagkatao na iyong minamarapat na aming gamitin upang maisagawa ang aming misyon sa lupa.
Ano pa nga ba ang nais mo na ihanda namin sa iyong paninirahan sa aming piling, kundi ang aming malinis na puso at pagkatao?
Inaaalala din namin ang aming mga pari na Iyong inatasang magtaas ng Iyong banal na katawan at dugo sa Banal na Misa. Tulutan mong maialay nila ang kabuuan ng kanilang pagkatao, katawan at kaluluwa, sa pagtugon sa misyong kanilang niyakap sa diwa ng ordinasyon. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Iyong matamis na pangalan. Amen

Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
†††

ANG DAAN KRUS

PAMBUNGAD

P: Mga kapatid, sa lahat ng hilahil na dinaranas natin dahil na rin sa kasalanang bumabalot sa mundo: ang walang habas na paglapastangan sa dangal ng tao, ang pagkitil sa buhay maraming taong walang kalaban-laban, ang pag-abuso sa kalikasan na nauuwi sa mga kalamidad, ang paghihirap ng madaming tao sa mga hindi malunasang karamdaman, at ang kahirapang pinagdurusahan ng marami sa atin, sino pa kaya ang ating kakapitan? Sino pa kaya ang hahango sa atin?

Ang panahon ng Kwaresma ay nagbubunsod sa atin na alalahanin ang kabutinghang-loob ni Hesus, na bagama’t Diyos, ay hindi naging iba sa mga hilahil sa buhay. Siya pa nga ang unang nag-dusa, higit na una kaysa sa atin, hindi upang pagbayaran ang anumang kasalanang kanyang ginawa ngunit upang siyang maging “buhay” na kabayaran sa kasalanang niyakap ng mundo.

Halina, mga kapatid, at sama-sama nating pagnilayan ang mga pagpapakasit ni Hesus alang-alang sa ating kaligtasan. Sa diwa ng pagsisisi sa ating mga pagmamalabis sa paggawa ng masama at kakulangan sa pagtupad sa kalooban ng Diyos, sariwain natin ang kanyang pagtatampok ng dakila Niyang pag-ibig sa atin at makiisa tayo sa kanyang paglalakad sa DAAN NG KRUS.

P: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo
B: Amen

Wednesday, November 3, 2010

Regalo...


This is one of the gifts I got, rendered by good hearts...

Salamat, St. Therese of the Child Jesus Parish, Antipolo City!

Salamat, Radio Veritas!



I will never forget the line...

"Mula sa bulwagan ng Radio Veritas 846 sa Quezon City, philippines. Ito po sina Fr. Gerald Metal at BRO. JULIUS DE SAGUN... Mga kapanalig, kami po ay nagpupugay sa inyo: SUMAINYO ANG KATOTOHANAN!"

It's now over... Salamat... Salamat...

"KADIWA"




I would like sum up the things I learned during my apostolate with the Ephesus Ministry by borrowing its very name... “KADIWA”

My few months of apostolate with Ephesus Ministry is rather short but filled with reflections. As a seminarian, Ephesus Ministry reminds me that priesthood is a lifetime commitment. Meanwhile, as a human being, I am also reminded that getting old is a privilege which not everybody can experience.

THE APOSTOLATE

It all started with a dream. I was dreaming of having a place where the old and retired priests of our diocese (Diocese of Imus) will stay after their service to the local church of Cavite. When I had a processing with the help of my formators and co-seminarians, they made me understand how concerned I was with my own welfare if ever God will make me His priest. I realized that my dream was actually self-directed. Such concern ruled over my mind all throughout my seminary days until I was recommended to spend the 1st phase of my Pastoral Year with Ephesus Ministry. The idea was to mould my heart as a real “kadiwa” by letting me take a first-hand experience of being with the old priests in order to develop a compassionate heart.

My apostolate started by getting to know all the retired Filipino priests – not in person but through their records in the Ephesus office. Believe me - I met both the living and the dead retired priests. Every weekend, I was also given numerous chances to visit some of the priests from different arch/dioceses - as far as Lingayen-Dagupan and as near as Manila. The visit was called “dalaw-pari”. The significant part of the visit was not the long travel but listening to the stories of the priests. Many of them are now slaves of numerous illnesses and diseases. Some of those priests were no longer hopeful that the Lord will heal them, instead they just enjoy the remaining days of their lives in solitude and prayer. I remember in one occasion when a priest with a spleen cancer told me upon learning that I am a seminarian: “I am sure that I will not be around during your ordination. I might be dead by then. But, I’ll promise you that if ever I’ll see the Lord, I tell him to make you a priest... a holy priest.” Upon hearing his piece, I admired that priest. Unlike other priests that I visited, this one neither spoke about how he suffers from pain nor about his accomplishments in the ministry. His concern was how he could be of service to his brethren despite his situation. That priest taught me that a “kadiwa” lends his hands even beyond his own well-being.

Of course, there were also priests who were not so accommodating. I remember an instance when after a long travel while bringing along a heavy load of “pasalubong”, a priest told us: “Aanhin ko yang kaunting matamis na dala ninyo at kaunting gamot na yan?” Another one told us: “Kidney donor ang kailangan ko hindi diaper at gatas” Instead of garnering a hard-feeling towards those priests, I was called by the circumstance to reflect on how much suffering that priest might have had.

EPHESUS ANGELS


My apostolate also allowed me to encounter some people of good heart. Ephesus has some circles of volunteers composed of seminarians, lay workers from different parishes, and NGO’s.

The “Dalaw-pari” is neither a joke nor an easy task. It requires another level of being a “kadiwa” - by having a generous heart and a committed spirit. Many of the Ephesus volunteers are working on weekdays and some are even engaged to different commitments in the Church and at home. Perhaps, giving up their Saturday rest for the dalaw-pari is a sacrifice but they still offer their time, efforts and sometimes even their financial resources to such a noble ministry. Indeed, these people are worthy of being called “angels”.

AN APOSTOLATE OF PRESENCE


My limited time with Ephesus Ministry taught me a lot. Sometimes the best thing that we can offer our aged priests is our presence – something which could not be bought in the marketplace or in the drugstore.

There was a moment when the people had nobody to talk to, to rely on, and to seek counsel from except form these priests who have dedicated themselves to their mission. Now that they are the ones in need of people for the same reason, I guess we have to give them none other than our abiding presence.

My apostolate with Ephesus ministry is over but everything that I learned will forever be treasured in my heart. Through this article, I would like to put into terms my gratitude to Msgr. Sabino Vengco, STD for inspiring me to consider the aged clerics as my own apostolate ground over other equally important fields. I also thank the office staff and the angels/ volunteers of Ephesus for patiently journeying with me in a short while. Through this noble ministry, I met a lot of God’s people whose mission is to make themselves real “KADIWA SA PAGKAPARI”.